MUSIC PRINCESS
" When WORDS fail.... MUSIC speaks.. " the Never Been Told Story of Mary Jean Olazo, II-Science (Diamond) - CLDDMNHS
Huwebes, Oktubre 4, 2012
Martes, Hunyo 26, 2012
Biyernes, Marso 2, 2012
Music Princess???
"When WORDS fail, MUSIC speaks". Iyan ang masasabi ko ukol sa musika, kaya naman, paghindi ko mailabas ang aking mga hinanaing at wala akong mapagsabihan ng aking problema ay nakikinig lamang ako ng musika. "Musika lang, AYOS na!", masaya na akong makarinig ng musika sa isang sulok at nagpapahinga, minsan nga ay napapaluha na lamang ako ng dahil sa pagkakadama ko sa mga musika kung ako'y malungkot, gayun din, kung ako'y masaya, nakikiayon ito sa aking emosyon (pero, hindi ako emo!) mabilis lang talagang madala ang aking emosyon ngunit, kung madala man ako, ito'y sa pusitibong paraan at dala na rin ito ng aking karanasan at pagdama ko sa musikang aking pinakikinggan.
Pinagsama ko naman ang musika at "princess" dahil para sa akin, "My day won't last without music" kaya naman binansagan ko na ang aking sarili bilang princess dahil ayokong gumamit ng salitang girl dahil masyado na itong gamitin at isa pa, "I'm not an ordinary princess" hindi ako yung tipong makikilala at mahahanap mo ang katangian sa iba dahil masasabi kong ako'y "unique"at ayokong ginagaya ako ng iba at naniniwala rin ako na ang bawat prinsesa ay may kanya kanyang katangian, ugali at hilig at ako naman ay musika ang hilig ko kaya "Music Princess".
Noong una, "Mary Jean on the other side" ang ipinangalan ko sa aking blog dahil nga para sa akin, ang pagbabahagi ng aking talambuhay ay mahirap dahil hindi ako yung tipo ng taong mahilig magkwento ukol sa pamilya, (kaya on the other side dahil masasabi kong hindi ito ang kadalasang MJ o Mary Jean na makikita nyo) kadalasan, "change topic" ang sinasabi ko sa aking mga kausap pag buhay ko o pamilya ko na ang topic namin. At isa pa, masasabi kong ang buhay ko ay isang musika dahil para sa akin, "Life is a song, Love is music"at masasabi kong ang musika ay may malaki nang bahagi sa buhay ko kaya naman, iyan na ang pinili kong pangalan para i-buod ang aking buhay at karanasan... Mary Jean, the "Music Princess"!
Huwebes, Marso 1, 2012
Maikling Kwento
Ang Cellphone
Ito’y
isa sa mga makabagong teknolohiya sa ngayon, may iba’t ibang hitsura, pangalan,
natatanging katangian ang mga ito. Ito rin ay nilikha at patuloy na pinagaganda
pa upang mapadalu ang pag uusap sa mga malalayong mahal natin sa buhay o para
sa komunikasyon. Sa panahon ngayon, halos wala ka nang makikitang walang
cellphone dahil kung gusto mong maging “in” at makasabay sa daloy ng
modernisasyon, kailangan mo nang magkaroon ng mga ika nga nila’y “hi-tech” na
mga kagamitan. Ngunit, ano nga ba ang nagaganap na usapan sa ating mga
“cellphone”? Ano- ano kaya ang kanikanilang hinaing ngayon? Narito at basahin
na ninyo ang kwento ng mga cellphone natin.
.jpg)
Isang
araw, napagbigyan na siya ng kaniyang mga magulang sa kanyang hinihingi.
Binilhan siya ng cellphone ng kanyang ina na 1100. Bagamat may kalumaan na,
tinanggap pa rin ito ni Isa dahil alam niyang pinaghirapan ito ng kanyang mga
magulang.
Sa
kadahilanang si Isa ay may cellphone na, madalas mo syang makikitang nagkikipag
text sa kanyang mga kaibigan saan man siya pumunta. Habang ginagamit niya ang
kanyang cellphone, may nagaganap na palang pagtatalo sa mga ito (sa pagitan ni
Message, Keypad, Phonebok, Games, Multimedia, Settings at Call center).
Message: Alam nyo, Masaya ako kasi sa akin makikita sina
inbox, outbox, drafts at sent items. Nang dahil kay inbox, nalalamn ko ang
lahat ng gusto nilang sabihin sa kanilang mahal sa buhay.
Keypad: Oo nga eh, nakakahili ka nga, samantalang ako hindi
ko alam ang gagawin ko, litong- lito at hilong- hilo na ako sa kapipindot nila
sa akin, hindi na ako nakapahinga at wala na atang lumipas na araw na hidi ako
ginagamit ni Isa.
Phonebook: Tama ka diyan, pero, para sa akin, ikaw ay mas
mahalaga kasi kung wala ka paano malalaman ni message kung may mga mensahe na
paparating gayun din, ikaw ang ginagamit upang masabi ang kanilang hinanaing at
ninanais sabihin sa iba.
Keypad: Naisip ko din yan syempre, pero, kahit magawa ko man
lahat ng nais nilang sabihin ay wala ring halaga kung wala ka, kasi nasa iyo
ang mga numero na padadalahan ko.
Message: Teka nga, bakit ba kailangang i-down natin an
gating mga sarili? Samantalang lahat naman tayo ay may halaga hindi ba?
Phone book: Hindi naman kasi natin iyan maiiwasan eh,
sapagkat ang bawat isa sa atin ay may kanya kanyang kakayahan na wala ang iba.
Keypad: Kaya nga, dapat pala kung anong meron ang isa a
meron din ang isa para walang hiliian.
Message: Maganda mga iyang naisip mo, subalit malabong
mangari ang lahat ng iyan. Isa pa, may mga
bagay talaga na hindi nating maiwasang
mag-isip na dapat ay ganoon din tayo.
Phone book: Kung sa bagay, may “point” ka din. Katulad nga ni
keypad, mas pagod siya kaysa sa atin at mas madala siyang ginagamit.
Keypad: Tigilan na nga natin yaan, kahit araw-araw tayong
mah talo-talo at magpaligsahan eh, wlaa rin naman mangayari, isispin natin
lahat tayo ay importante.
Message at Phonebook: Oo nga, at saka hindi lang naman tayo
eh, marami pang nandiyan. Nandiyan pa sina games, call register, sttings,
multimedia at iba pa. Matagal di siya at malaki ang kanilang naitutulong.
Games: Aba, parang kasali kami diyan ah? Tama ang narinig
ko, nakatutulong din kami.. tulad ko, maraming nawiwili sa akin lalo na at
mahilig silang maglar at gusto nilang maglibang- libang. Gayun din, ako ang
maaari nilang puntahan kung nais nilang pag palipas oras at mag “relax”. Gaya
na lamang ng ginagawa ng mga kapaton ni Isa.
Multimedia: Sa akin naman, madaming makikita… kapag nag
pi-picture, gusting mag video, mag recrd magpatugtog ay pumunta ka lamang sa
akin, doon na pati nila makikita ang lahat ng mga ginawa nila alin man sa mga
katangian ko o sa mga nilalaman ko.
Settings: Aba! Parang napagiiwanan ako ah!... ako naman,
kapag may gusting mag shortcut, mag alarm, maglagay ng ptsa o kaya naman ay
gusting maglagay ng code, aba! Nandito lang ako at lahat ng iyan ay makikita
mo…!
Call Register: Magpapatalo ba naman ako..! h, nang dahil sa
akin, malalaman nila ang gusting tumawag at makikita din sa kanila kung sino
ang gusto nilang kausapin… at hindi lang iyan, kung ilan man ang tumawag at
tinawagan nila ay maari din nilang malaman ng dahil sa akin.
Multimedia: Alam ninyo, naisip ko lang na dapat hindi tayo
magpaligsahan kasi lahat tayo ay may kani-kanilang pangangailangan. Isa pa,
lahat naman tayo ay giagamit nila.
Games: Hindi naman sa ganoon, sinasabi lang naman natin kung
anong nakapaloob sa atin.
Settings: At mas makatutulong ang lahat ng sinabi natin. Mas
lalo pa tayo nilang makikilala ng lubusan.
Call center: Hindo
natin sila malilito kapag may gusto silang hanapin dahil alam na nila ang bawat
makikita sa atin.
Message: Hay naku! Manuti naman at naisipan ninyo iyan, alam
ninyo,ganyan din kami kanina bawat isa din sa amin ay nagpapaligsahan at
nagpapagalingan ukol sa iba’t ibang kakayahan naming.
Keypad: May kanya- kanyang opinyn at ang bawat sarili ay
nagagawang i-down.
Phone book: Paano kasi, hilian ang iniisip, hindi ang
kakayahan.
Games: Oh, siguro naman lahat ay alam na at hindi kailangang
magtalo-talo pa.
Multimedia: Sadyang ganyan lang talaga sa una, kasi, iniisip
at ang kakayanan ng iba at binabalewala ang sariling kakayahan.
Call center: Alam mo, naisip ko yan, tama yang sinabi mo at
saka lang nila napag iisip isp na mahala din pala sila kapag nagkaharap- harap
at nakausap-usap na.
Keypad: Kasi naman, kung ating talaganag iisipin an gating
mga pag kakaiba hindi natin maiiwasang magselos at mahili, lalo na kapag ang
nakita mong katangian niya ay wala sa iyo.
Message: At ang gusto mo naman ay ganon Karin, mahirap kasi
yon at ng dahilan diyan, diyan nagsisimula ang lahat.
Games: Tama, saka young iba ginawa ang lahat para maging ganon
din sila, pero kahit pa naman anong pilit gawin ay hindi pa rin talaga sila
magiging ganoon.
Settings: Tigilan na natin iyan, ang mahalaga ay lahat tayo
napapakinabangan, kasi kung wala tayo ay mahirap para sa kanila ang gamitin
tayo.
Call center: Okay yan! At mas maganda kung lahat ng iniisip
natin ay “positive” para sa sarili at para sa lahat.
Phonebook: Siguro mas maganda kung atin na talagang gagawin
ang lahat n gating sinasabi magkaisa tayo at magtulungan, at ng dahil diyan
makakabuo tayo ng isang maayos na samahan.
Keypad: At ang samahang iyon ang magiging sandata natin
upang makabuo din tayo ng isang pangalan, na tayong lahat ay magkaroon lamang at
tatawagin tayo sa isa lang na pangalan.
Multimedia: Sang ayon ako sa lahat… at kapang nagaroon na
tayong lahat ng isang pangalan, na tayong lahat ng isang pangalan, maraming
matutuwa at mawiwili sa atin.
Settings: Nang dahil din sa atin, makakatulong tayo ng malaki
sa mga nangangailangan sa atin, mapapadali ang kanilang pakikipagkumunikasyon
sa mga mahal nila sa buhay lalo na nga at malayo sa kanila.
Message: Nakayulong na nga tayo, nakapagpasya pa ng marami
at hamakin natin yon pagkakaisa lang pala ang susi upang maging Masaya at
mawili sa atin ang lahat.
Phone book: Naisip ko lang ito, kung hindi tayo tumigil
kanina sa mga paligsahan natin, hindi sana hahantong sa ganito at wala sana
itong magandang palano natin.
Keypad: Buti nga at natauhan ang bawat isa sa atin,
nagpaliwanagan at nagibigay ng mga magagandang opinion, at makabuo ng isang
maayos na plano.
Multimedia: Salamat na rin at naliwanagan tayo sa ating mga
sinasabi.
Call center: Hay! Alam ninyo Masaya ako dahil sa sobrang
ganda n gating mga naisip at ang lahat ay nakaunawaan at magkakasundo na wala
nang sasaya pa, ito ng ata ang pinakamasayang araw na nagdaan sa buhay ko.
Settings: Oo nga ano?ang bilis lang ng mga pangyayari eh,
sana panatilihin na natin sa ganito tayo. Kasi isa na itong malaking sandata.
Message: at ang sandatang iyan ang magtatatag sa atin
hanggang sa tayo ay tangkilikin ng marami, sisikat tayo lalo na kapag
magkakaroon tayo ng isang magandang panagalan, pangalan na kilala ng lahat.
Multimedia: Teka, parang naguluhan ako doon ah. Ano naman ang
maari nating maging pangalan? Parang mahirap iyon, lalo na nga at sinabi mong
pangalang kilala.
Message: Huwag kang mag alala dahil kapag tayo ay pinag sama
sama, madali lang makabuo ng pangalan.
Magiging tanyag din tayo at dadating din
ang oras na ipagmamalaki ni Isa na tayo ang laman ng kanyang cellphone gayun
din ang iba pang cellphone na kagaya natin.
Keypad: tama yang nasa isi mo, dahil kapag panahon na
ipinagmalaki na tayo, unti unti na tayong malilikha at ang lahat ay
madidiskubrw at gagamitin tayo. Ngunit, ako’y namumrublema bagamat tayo’y
magkakaayos na, may bumabagabag pa rin sa aking isipa…
Settings: Ano yun?! Hindi ba’t wala na naming iringan na
namamagitan sa atin hindi ba? At lalong magkakasundo na ang lahat…. Ano ba ang
problema mo at parang napakabigat nito?
Keypad: hindi na naman siguro lingid sa kaalaman ng lahat na
usong uso na sa panahong ito ang mga “touch screen” na mga cell phone.. kaya
naman, nangangamba ako na baka….
Settings: Baka dumating ang araw na, wala nang gagamit
sayo.. ganun ba?
Keypad: Oo ganun na nga, masakit man aminin, ngunit, hindi
nyo ba naririnig ang mga usapin ng mga kaklase ni Isa at sinasabing bakit de-
keypad pa rin ang cell phone niya eh hindi na nga raw uso ang ganoon. At isa
pa, mas maganda na nga raw gamitin ang mga touch screen na cell phone kesa sa
mga cell phone n tayo lamang ang nakapaloob. Hindi gaya noong iba na mas marami
ka nang mailalaman at mas maganda ang mga imahe.
Message: Marahil, mas makulay at malinaw nga ang imahe ng
mga cell phone na touch screen ngunit, tandaan mo, ang mga cell phone na tayo
ang nakapaloob (simple ngunit kapakipakinabang) ay may maitutulong at magagawa
pa rin sa mga ninanais nila. At halos, parho lamang ang nilalaman ang lamang
nga lang ng iba pang kagamitan ay mas makabago at hi-tech na sila. Kaya naman,
hindi na ako mag tataka kung isang araw ay maubos na ang mga simpleng cell phon
at pro hi-tech na lamang ang makikita mong gamit ng mga kabataan.
Keypad: Tama! Mas mabuti na nga siguro na tanggapin na
lamang natin ang mga pag babago dahil, doon din naman tayo nagmula at tayo ay
produkto rin ng pagtuklas at malikhaing isipan ng mga tao upang mas maunlad pa
sila.
Lahat: Tama! Mas Mabuti pa nga iyan! J
Nakalipas
na nga ang ilang buwan at si Isa ay naibili ng kaniyang ama’t ina ng touch
screen na cell phone bilang gantimpala sa kanya dahil siya’y nakapagtapos ng
may mataas na ranggo sa kanilang paaralan. Gayun pa man, natanggap na ng mga
lumang cell phone nag mga pangyayaring iyon (mga pagbabago). At ang dating 1100
ang cell phone ni Isa ay napunta naman sa kanyang kapatid na si Ana.
Dapat
nating tandaan na ano mang bagay na nakikita at nadadama mo ay hindi
permanente. Ika nga nila, walan permanente sa mundo at kung meron man, iyon ay
ang pagbabago “change is the only thing that is permanent in this world”. Kaya,
kung ano mang pagbabago ang kaharapin natin, Mas magandang tanggapin na lamang
ito ng husay at matiwasay sa loob upang maiwasan ang iringan o inggitan sa
pagitan ng mga magkakaibigan.
Miyerkules, Pebrero 29, 2012
Ang Aking Talambuhay
>> MUSIC is my life.., LYRICS is my story<<
Binyag
Freshmen Life
Kumpara noong 1st year
kami, bagamat, mas maraming pagsubok ang humamon sa katatagan ng aming samahan
ngayon ay masasabi kong mas maganda ang pundasyon ng pag kakaibigan naming
ngayon gayundin, mas may pagkakaisa na kami at medyo nag matyur na rin ang
isipan ng bawat isa at higit na naming nauunawaan ang mga bagay bagay at ang
mga problema na kinahaharap. Dahil na rin sa iba’t ibang aktibidad na sinalihan
ko, gayundin ang mga kaklase ko ay nabuo ang mga hindi inaasahang pagkakaibigan
namin dahil aminado kami sa isa’t isa na hindi namin alam ang ugali ng isa’t
isa ngunit, dahil sa pagsali namin sa “jazz chant” ay nabuo ang pagkakaibigang hindi inaasahan na
ngayo’y silang nagiging sangga at gabay ko sa mga pag dedesisyon ko ay gayun
din ako sa kanila. Bagamat kung minsan ay may mga hindi kami pagkakaunawaaan
ay, ayos lang kasi madali naman naming nasasabi iyon sa isa’t isa at naaayos
din naman kaagad.
Ang pagsali namin sa jazz chant ay isa sa mga pinakamagandang aktibidad na sinalihan namin. Si Sir Lacsam ang gumawa ng aming piyesa at si Sir Egay naman ang nagturo ng steps namin.Noong una ay sa Cluster B muna kami lumaban at nanalo kami!!! 2nd place kaso, binago ang piyesa kaya naman medyo nahirapan kami sa pag pa-praktis para sa susunod na laban (Division level)... Ngunit hindi naging hadlang iyon bagkus, lalo pa naming pinangbuti ang pag pa- praktis namin at kami ay nakakamit ng 2 pwesto (2nd place!!)...! Syempre, marami naring nabuong samahan sa bawat isa sa amin.(hahaha alam nyo na yun!)
February
24, 2012 ang araw ng paglaban namin sa Florante at Laura. Bago pa man kami
lumaban, sinabi na namin sa aming sarili na kung ano man ang maging resulta
(kahit dalawa linggo lang ang aming paghahanda) ay tatanggapin namin ng maluwag
sa aming puso gayun din walang iiyak at igagalang ang desisyon ng mga hurado.
At nang sinabi na kung sino ang nagwagi sa bawat karakter ay lahat (ng 8
karakter) sa amin ang 1st gayun din, kami ang 1st sa over
all. Napakasaya talaga namin at sinabi rin namin na “bawi ang pagka 2nd
natin at pagiyak natin dati”.
Noong
ika-4 ng Agosto taong 1997, sa ganap na 1:10 ng hapon ay isinilang ang isang
batang babae na pinangalanang Mary Jean A. Olazo (at ako iyon!) at, ako ang
bunga ng pag mamahalan nina Jerry R. Olazo (ang aking ama) at Marietta A. Olazo (ang aking ina)(Marietta P. Amorao noong
dalaga).
Ang Aking Pamilya
(Olazo Family)
Ang
aking mga magulang ay kapwa nagmula sa Tagkawayan, Quezon. Ang aking mga
kapatid ay sina Marjerie A. Olazo (nakatatanda kong kapatid) at Marylle Jade A.
Olazo (nakababata kong kapatid). Tatlo lamang kaming magkakapatid at ako ang
pangalawa (gitna). Ang aking ate ay
siyang pinanganak sa Tagkawayan habang kami ng aking bunsong kapatid ay ditto
na sa San. Pablo pinanganak. Kami ngayon ay nakatira sa Maryland Homes III,
Brgy. San Vicente San Pablo City.
![]() |
>Ito ay noong bininyagan ako kasama ang mga ninog at ninang ko gayundin ang iba ko pang kamaganak....< |
Binyag
Noong
ika-5 ng Abril taong 1998 ay bininyagan ako. Ako ay 8 buwan palang noon. Ayun
din ang kapistahan ni San Vicente at ako’y bininyagan sa chapel ng San Vicente.
Agosto
4, 1998, ang aking unang kaarawan. Ginanap ito sa aming bahay sa Maryland
kasama na rin ang aking iba pang mga kamag-anak na galing pa sa probinsya
(Tagkawayan), mga ninong at ninang, mga pinsan, tito, tita mga kapit bahay, at
marami pang iba. Nakatanggap ako ng iba’ ibang regalo at karamihan sa mga ito
ay mga damit. Ako ay nag diwang ng aking kaarawan kasabay ang aking ate na anim
n taong gulang noon dahil halos mag kasabay lang naman ang aming kaarawan ako’y
Agosto 4 at siya’y Agosto 2.
Ang Aking Kabataan
Noong
ako’y mga 3 taong gulang pa lamang ay sinasama na ako ng aking mommy sa
iskwelahan kung saan siya nag tuturo at iyon ay sa Sto. Cristo Elementary
School. Siya’y grade 4 teacher doon. Araw-araw niya akong sinasama doon at
habang siya’y may klase, ako naman ay nan-doon lamang sa school canten at
kumakain, kung minsan, nakikipag laro ako sa iba pang estudyante ng paaralang
iyon.
Masaya ang naging karanasan ko noon
kahit na ako’y 3 taon a lamang at hindi pa pumapasok dahil doon ko pa lalong
nahasa ang aking kaalaman dahil maraming nag tuturo sa akin noong mga panahong
iyon. Gayun din, dahil nga marami nang nakakita at nakakilala sa akin noon ay
marami akong ka-kilala ngayon na dating estudyante ng aking mommy.
Noon pa man, Hindi na talaga ako
mahilig makipag laro. Mas gusto ko pang nasa loob na lamang ako ng aming
tahanan kaysa lumabas at makipag habulan sa iba. Masaya na ako sa mga pag
kakataong kasama ko ang aking mga laruan gayun din pag nakikipag laro ako sa
aking mga pinsan at ate. Kaya naman, wala akong maituturing na mga naging
kalaro ko, sa totoo lang, mga grade 4 ako noon nang naisipan kong lumabas ng
bahay para mag laro ng Chinese garter. Yun lang siguro mga, 2 months lang ako
naglaro tapos, nagsawa na ako at hindi na ulit ako lumalabas ng aming tahanan.
Marahil, nasa isip ninyo na “boring” ang aking
pagkabata dahil hindi ko naranasang maglaro pero, dun kasi ako naging masaya at
ayun na rin ang kinasanayan at kinalakihan ko.Kaya naman, tuwing may nakikita
akong mga batang naglalaro ay hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil bakas na
bakas talaga sa kanilang mga mukha ang saya na kanilang nadadama habang sila’y
nakikipag laro sa kanilang mga kaibigan. Kaya naman kung minsan sa paaralan,
hindi maiwasang matnong ng mga guro kung ano ang mga nilalaro naming noong mga
bata pa kami at ako’y walang maisagot dahil hindi ko naman naranasan maglaro
noong mga sinasabi nilang patintero, luksong tinik at marami pang iba.
Napakasaya ko talaga noong
nag birthday ako ng 7 taon ako dahil napakaraming dumalo pati na rin ang aking
mga kamag anak na nasa ibangbansa noong panahong iyon. Gayun din, marami akong
natanggap na regalo mula sa kanila. Dumalo rin ang aking iba pang guro at mga
kaklase noon.
Simple lang kung tutuusin ang aking kaarawan ngunit, Masaya pa rin ako dahil doon ko lamang nakilala ang karamihan sa aking mga kamag anak.
Ang Aking Unang Pakikinabang
February 7 noon ng ako'y nag first communion sa Parokya ni San Francisci de Asisi sa may Farconville. Grade 4 ako noon ng ako'y makinabang kasama ang aking mga kaklase gayundin ang ibang grade 5 at grade 6 na hindi pa nakakapangumunyon.
Simple lang kung tutuusin ang aking kaarawan ngunit, Masaya pa rin ako dahil doon ko lamang nakilala ang karamihan sa aking mga kamag anak.
Ang Aking Unang Pakikinabang
February 7 noon ng ako'y nag first communion sa Parokya ni San Francisci de Asisi sa may Farconville. Grade 4 ako noon ng ako'y makinabang kasama ang aking mga kaklase gayundin ang ibang grade 5 at grade 6 na hindi pa nakakapangumunyon.
Nagsimula
akong mag aral kahit ako’y 5 taon pa lamang. Una akong pumasok noon sa Day care
center sa Teomora St. Ako’y natangga ko ang ikalawang karangalan noon. BAgamat,
hindi p ako ganoon kagaling bumasa ay naka- graduate na ako noon. Ngunit ako’y
pumasok ng Preparatory sa Children’s Nook. Pumasok ako noon bilang 2nd
Batch dahil bago p lamang ang paaralng iyon. Ako’y pang umaga noon at half day
lamang ang pasok dahil ang mga nursery ang panghapon. Hindi ko makakalimutan ang
mga pag kakataong bago pa ako makapunta sa cr ay kailangan ko pang mag sabi ng
“teacher, may I go to the cr?”. Masasabi kong higit na nahubog ang aking
kaalaman sa paaralang ito dahil mas maraming akong nasalihang aktibidad dito at
gayun din, ang kanilang pagiging sistematiko at mahigpit (kung minsan) ay
nakatulong upang pag butihin ko pa ang aking pag aaral. Sa totoo lang, marami
akong nakaaway noon (away bata!) at iyon ay dahil sa mga crush naming hindi
naming alam ay pare-pareho pala kaming may gusto.At, natatandaan ko pa nga
noon, ang araw bago an gaming Christmas party ay sinundo si James (yung crush
ko) ng nanay niya at sabay sabay kaming mga mag kakaibigan na nagsabing “bye
bye James..!”.
Napakarami kong karanasan sa apat
na sulok ng aming silid aralan. Nang ako naman ay maka-graduate sa nasabing
paaralan ay ako’y nakatanggap ng tatlong parangal yun ang, most sociable,
special award at, (nakalimutan ko na yung isa basta tatlo yun). “I want to be a
doctor someday.” Yan ang katagang binitawan ko noon nang pinagsalita ako sa
unahan at karamihan sa amin ay iyon ang sinabi (syempre bata pa lang, yun pa
lang ang alam naming gayun din ang pagiging guro at pilot).
Pumasok naman ako ng elementarya
(grade 1-grade 6) sa Sto.Cristo Elementary School (kung saan nag tuturo ang
mommy ko). Natatandaan ko noong unang araw ko bilang grade 1 doon ay, pinag-drawing
kami ni Ma’am Malou Jabinal ng mga bagay na tumutunog (kahit ano) bilang
medaling iguhit ang gitara, gitara na lang ang ginuhit ko. Matapos kong ipasa
ang aking papel kay ma’am ay, pinapunta pa niya ako sa unahan para itaas ang
gawa ko at ipakita ito sa mga kaklase ko. Tuwang tuwa talaga ako noong mga
panahong iyon dahil doon ko napagtanto na may talent pala ako sa pag guhit.
Doon na nag simula ang pag-excell ko sa aming klase. Noon pa man,(hanggang
ngayon) mahilig na talaga akong sumagot sa mga recitations dahil para sa akin,
hindi buo ang araw ko kung hindi ako makakatayo sa upuan ko para sumagot sa
loob ng isang asignatura. Pag ako’y hindi natatawag ay masama talaga ang loob
ko pero, sinasabi naman ng aming guro na, “hayaan na muna natin yung iba na
sumagot” na hanggang ngayon ay iyan pa rin ang naririnig ko sa aking mga
nagiging guro. Dahil nga ako’y nagpakita at nagpamalas ng aking husay sa pag
aaral ay tinanghal ako bilang 1st honor at doon na nag simula ang
pressure sa pag aaral ko.
Naging
grade 2 teacher ko noon si Ma’am Cely Enriquez. Masaya siyang maging guro!
Bagamat istrikta kung minsan at mataray, naiintindihan ko iyon dahil napaka
kulit naman talaga naming noong mga panahong iyon. Eto ang grade na kung saan
lumabas ang talent ko sa pag sasayaw. Kaming mga mag ka-kaklase (sina Pauline,
Diane, Angelli, Aileen, Antonette at ako) kami lagi ang sumasayaw sa iba’t
ibang mga palatuntunan. Ako ay nanatili sa aking ranggo bilang 1st
honor ngunit, ramdam ko na noon ang pressure at higpit ng labanan naming ni mj
(yung 2nd honor namin). Noong grade 3 naman ako, napakadami naming
nagging guro, mga 5 guro ang nag turo sa amin dahil narin sa iba’t iba nilang
pangangailangan. Ngunit, ang pinaka nagtagal na guro naming ay si Ma’am March
Padilla. Aaminin ko, napaka istrikta niya! Ngunit, sa kanya naming natutunan
ang napakaraming bagay gaya na lamang nga tamang pag bigkas ng Lupang Hinirang gayun din ang Our Father.
Kami ang unang batch na tinuruan niya sa paaralan dahil siya’y galling sa private
school (San Pablo Colleges) at high school ang hinahawakan niya doon. Noon pa
man, (simula grade 1) ako na talaga ang namumuno sa amin klase, ngunit, sa
panahong siya ang gaming guro ay doon ko lamang nalaman ang mga dapat na
katangiaan ng isang lider. Oo, pinagagalitan niya ako ngunit, iniintindi koi
yon dahil alam kong iyon ay para rin sa akin. Ako ay 2nd honor lang
dati dahil, gaya na nga ng sinabi ko, dito na nagsimula ang mahigpit na labanan
namin ni mj sa pagaaral ngunit, siya’y kaibigan ko pa rin noon. Sabi nga nila,
‘friendly competition”.
Eto na! Grade 4 ako! Alam nyo ba
kung sino ang nagging guro ko? Walang iba kung hindi si MRS. MARIETTA A. OLAZO
(ang mommy ko!). Napaka higpit niya (lalo na sa akin). Eto ang mga panahon na
naramdaman kong mas magaling sa akin si mj dahil lagi niya itong pinagmamalaki
sa klase kesa sa akin! At ang malupit pa, ikinukumpara talaga niya si mj sa
akin sa harap ng klase.Hinding hindi ko makaka kalimutan yung sinabi niya
habang Hekasi time naming “alam nyo, isa lang sa klaseng ito ang kilala kong
kayang makatapos ng libro sa loob ng isang oras, sa isang upuan lang at yun ay
si mj.” Nag react ang kaklase ko, “e, si mary jean po?” sinagot ng mommy ko
“naku! Si mary jean? Hinding hindi mo makikitang humawak ng libro yan para mag
basa, kung humawak man yan, hawak nga lang!”. Yan talaga ang pinaka masakit na
narinig ko sa mommy ko noon. At eto pa! natatandaan ko, pinaltok pa niya ako
dati ng chalk kasi nakikipag daldalan ako e nag papa inhale exhale pala siya
noon. Ah! Grabe talaga ang hiya ko noon! Katabi ko pa naman noon ang crush ko!
Siya pa yung dumampot nung chalk na pinaltok sa akin ni mommy. Dahil nga sa mga
naranasan ko noon at sa mga nalaman ko, pinagbuti ko ang pag aaral ko at
nagbunga naman ng maganda dahil ako’y nagging 1st honor noon dito
rin nagsimula ang pagiging active girl scout ko.
Noong
grabe 5 naman ako, medyo bored talaga ako noon sa buhay. Hindi ko alam kung
bakit pero tamad na tamad ako sa klase noon kaya halos wala akong mai-kwento
ngayon ang tanda ko lang noon, nanalo ako sa Mathrathon bilang 1st
at nakalaban ko pa noon si jc n aka-klase ko ngayon na pinakamagaling sa amin
ngayon sa math na pang 7th lang noong nag laban kami (hahaha buhay
nga naman!)
Masasabi
kong pinaka makulay ang grade 6 life ko noon. Naging guro ulit naming si ma’am
March dahil grade 6 teacher na siya noon. Excited talaga kaming mag ka kaklase
noon na mag grade 6 na kaagad kami dahil may graduation ball na noon. Kami ang
kumuha ng pag susulit sa NAT dahil kami nga ang grade 6 noon at maganda naman
ang nagging resulta dahil nag 1st kami sa buong District namin. Ako
ay tinangahal bilang Salutatorian o 2nd honor nakatanggap rin ako ng
marami pang awards.
Sa mismong gabi ng araw na iyon, naganap ang pinaka inaantay ng lahat, ang graduation ball. Ang saya talaga noon dahil kami ay nagsayaw lang at relax na kami noon dahil tapos na ang NAT, at ang isa pa, sagot ng adviser naming ang mobile na ginamit dahil ayon sa kanya, pa birthday na niya iyon sa amin kasi nga March ang birthday niya. Kami ang nag dala ng pag kain (may kanya kanyang share ang lahat). Karamihan sa amin ay nakasuot ng cocktail dress. Ang akin namang first dance noon ay si Arvin (ang crush ko noong mga panahong iyon) bagamat lahat ng mga kaklase kong lalaki ay nagsayaw sa akin, siya talaga ang halos kasayaw ko sa loob ng tatlong oras na sayawan. Meron ding itinanghal na Mr. and Ms. Graduation Ball at iyon ay sina Pauline at Derick. Napaka saya talaga noon ngunit, matapos ang sayahan ay may mga nagiyakan kasi mag kakahiwa hiwalay na kami. Ngunit, hanggang ngayon naman ay mag kakaibigan pa rin kami at pag may graduation ball sa Sto. Cristo ay imbitado pa rin kami (dahil, sabi na nga noong iba, kami daw ang favorite batch ni ma’am kahit daw lagi kaming pinagaggalitan ay pinagmamalaki daw niya kami sa iba at hindi niya hinahayaang may mang away sa amin.)
Sa mismong gabi ng araw na iyon, naganap ang pinaka inaantay ng lahat, ang graduation ball. Ang saya talaga noon dahil kami ay nagsayaw lang at relax na kami noon dahil tapos na ang NAT, at ang isa pa, sagot ng adviser naming ang mobile na ginamit dahil ayon sa kanya, pa birthday na niya iyon sa amin kasi nga March ang birthday niya. Kami ang nag dala ng pag kain (may kanya kanyang share ang lahat). Karamihan sa amin ay nakasuot ng cocktail dress. Ang akin namang first dance noon ay si Arvin (ang crush ko noong mga panahong iyon) bagamat lahat ng mga kaklase kong lalaki ay nagsayaw sa akin, siya talaga ang halos kasayaw ko sa loob ng tatlong oras na sayawan. Meron ding itinanghal na Mr. and Ms. Graduation Ball at iyon ay sina Pauline at Derick. Napaka saya talaga noon ngunit, matapos ang sayahan ay may mga nagiyakan kasi mag kakahiwa hiwalay na kami. Ngunit, hanggang ngayon naman ay mag kakaibigan pa rin kami at pag may graduation ball sa Sto. Cristo ay imbitado pa rin kami (dahil, sabi na nga noong iba, kami daw ang favorite batch ni ma’am kahit daw lagi kaming pinagaggalitan ay pinagmamalaki daw niya kami sa iba at hindi niya hinahayaang may mang away sa amin.)
Eto na!
sabi nila, high school daw ang pinakamasaya sa lahat! Kaya excited na talaga
akong mag high school dati pa.
Freshmen Life
Bilang
1st year student ng Col. Lauro D. Dizon Memorial National High
School, nanibago talaga ako. Buti na lang at doon napasok ang mga dating
estudyante ni mommy kaya may mga napagtatanungan ako. Noong una ay 1-A dapat
ako pero, kumuha na ako ng test noong unang araw pero noong pag pasok ko noong
2nd day ay hindi ko alam na pumasa pala ako kaya doon pa rin ako
pumasok sa room ng 1-A at si Mr. Mission (math teacher) ang teacher naming noon
sa 1st period na adviser pala ng science kaya nang nag check siya
muli attendance, pag banggit niya ng pangalan ko ay tumingin siya sa mga
pangalan ng pumasa sa science section at sinabing “oh, OLAZO, doon ka sa may
room 26 pasa ka sa test kayo ni Vibal kaya pala sagot kayo ng sagot science
pala kayo.”
![]() |
> hahaha! kami daw yung tatlong maria na mahilig mag picture.. si Mitch nasa kaliwa, ako yung nasa gitna at si Jenica na nasa kanan kaso, lumipat na siya ng school!< |
Natatandaan
ko, ako ang kahulihulihang pumasok sa pinto ng I- Science at buti na lang may
ka- district ako doon si Edward. Grabe! Arteng- arte daw talaga sa akin ang mga
kaklase ko noon dahil noong pinagpakilala kami n gaming mga sarili ay ang arte
ko daw mag English at saka, kaya pala ilang na ilang silang kausapin ako kasi
mukha daw akong taray (what’s new? Yan naman ang first impression ng
lahat sa akin). Pero, kinalaunan ay nagging ok naman ang lahat kaya doon ko
nalaman na ganoon pala ang tingin nila sa akin kasi nga iba daw talaga ako kung
sa unang tingin at kung makikilala pa ako.
Syempre, bilang parte ng freshmen life ko, marami na talaga akong naging crush noon (halos lahat ata ng mga kaklase ko na lalaki) at may nanligaw sa akin noon, si Raymond (oo crush ko sya dati pero, noong nanligaw sya, hala! di ko alam peo, di na sya ung gusto ko), in short, na basted ko sya! First time kong mamabasted noon kaya na-guilty ako at halos tatlong buwan ata kaming hindi nagpansinan pero, kinalaunan, nagkaayos din kami.
Ang pinaka tumatak sa isip ko at siguro, gayun din sa isip ng lahat ay, ang Ibong Adarna. February 23,2011 nang lumaban kami ng Ibong Adarna. Ako’y gumanap bilang Maria Blanca. Kami ay tinanghal bilang 2nd .Kung tutuusin, hindi masama, kasi 2nd naman kami, kaso, masyado kaming nag-expect na kami ang magiging 1st kasi nga para sa amin, dapat kami ang mag 1st dahil doon, may mga pangyayaring……. Ngunit, natuto na kami sa aming mga pag kakamali at masaya na kami ulit.
February 25, 2011, nagsayaw kami sa concert ng Dizon (D@ts 14) ata yung theme noon (di ako sure.. haha). Kami nina Mitch, Jesusa at Meryl sa aming klase ang sumayaw kasama ang ilang III-Science noon (sina at Marian) at si ate Lai ang nagturo sa amin. Masaya talaga ako noon dahil iyon ang unang beses na ako ay sasayaw sa Dizon as highschool student kaya naman hindi ko talaga makakalimutan iyon at isa pa, pagkatapos namin magsayaw, acoustic band naman at si Larissa ay kumanta ang "Way Back into Love" at habang kumakanta sya, syempre magkakasama kaming mga I-Science, medyo nasa una kaming mga babae at sa likuran namin ay yung mga lalaki, tapos, nagulat ako nang bigla akong yinapos ni Mitch mula sa lidok at bumulong "MJ, kung pwede daw manligaw sayo si Raymart?!" as in wala akong masabi noon! speechless talaga ako at medyo natulala kasi nga, si Raymart na yung crush ko noong panahon na iyon at wala talaga akong ideya na maaari siyang magkagusto sa akin dahil nga siya yung tipo ng taong tahimik at hindi mo alam kung may gusto ba sayo o wala. Tapos, iyon, nanligaw siya kahit na maypagka torpe... sinagot ko siya dati March 7, 2011 pero, hindi rin tumagal at hiniwalayan ko siya noong March 11, 2011 dahil sa naiilang at nairita ata ako sa kanya? (hala! hindi ko na kasi tanda yun eh.. matagal na rin kasi..) pero, bagamat nagkasamaan kami ng loob, sa tulong ng mga kaklase ko, nanligaw ulit siya (torpe pa rin) pero, sinagot ko siya ng March 25, 2011 (kasabay nina Jesusa at Jm.. haha sinabay ko talaga!) pero, nalaman ng aking magulang (nakita yung msg nya sa fb na "happy monthsary") kaya, kinabukasan, sinabi ko sa mga kaklase namin na kabarkada niya na break na kami...
Syempre, bilang parte ng freshmen life ko, marami na talaga akong naging crush noon (halos lahat ata ng mga kaklase ko na lalaki) at may nanligaw sa akin noon, si Raymond (oo crush ko sya dati pero, noong nanligaw sya, hala! di ko alam peo, di na sya ung gusto ko), in short, na basted ko sya! First time kong mamabasted noon kaya na-guilty ako at halos tatlong buwan ata kaming hindi nagpansinan pero, kinalaunan, nagkaayos din kami.
![]() |
>Si Reyna Valeriana, Prinsesa Maria Blanca At si Prinsesa Juana ng Ibong Adarna!< |
Ang pinaka tumatak sa isip ko at siguro, gayun din sa isip ng lahat ay, ang Ibong Adarna. February 23,2011 nang lumaban kami ng Ibong Adarna. Ako’y gumanap bilang Maria Blanca. Kami ay tinanghal bilang 2nd .Kung tutuusin, hindi masama, kasi 2nd naman kami, kaso, masyado kaming nag-expect na kami ang magiging 1st kasi nga para sa amin, dapat kami ang mag 1st dahil doon, may mga pangyayaring……. Ngunit, natuto na kami sa aming mga pag kakamali at masaya na kami ulit.
![]() |
> Concert 2011!!< |
February 25, 2011, nagsayaw kami sa concert ng Dizon (D@ts 14) ata yung theme noon (di ako sure.. haha). Kami nina Mitch, Jesusa at Meryl sa aming klase ang sumayaw kasama ang ilang III-Science noon (sina at Marian) at si ate Lai ang nagturo sa amin. Masaya talaga ako noon dahil iyon ang unang beses na ako ay sasayaw sa Dizon as highschool student kaya naman hindi ko talaga makakalimutan iyon at isa pa, pagkatapos namin magsayaw, acoustic band naman at si Larissa ay kumanta ang "Way Back into Love" at habang kumakanta sya, syempre magkakasama kaming mga I-Science, medyo nasa una kaming mga babae at sa likuran namin ay yung mga lalaki, tapos, nagulat ako nang bigla akong yinapos ni Mitch mula sa lidok at bumulong "MJ, kung pwede daw manligaw sayo si Raymart?!" as in wala akong masabi noon! speechless talaga ako at medyo natulala kasi nga, si Raymart na yung crush ko noong panahon na iyon at wala talaga akong ideya na maaari siyang magkagusto sa akin dahil nga siya yung tipo ng taong tahimik at hindi mo alam kung may gusto ba sayo o wala. Tapos, iyon, nanligaw siya kahit na maypagka torpe... sinagot ko siya dati March 7, 2011 pero, hindi rin tumagal at hiniwalayan ko siya noong March 11, 2011 dahil sa naiilang at nairita ata ako sa kanya? (hala! hindi ko na kasi tanda yun eh.. matagal na rin kasi..) pero, bagamat nagkasamaan kami ng loob, sa tulong ng mga kaklase ko, nanligaw ulit siya (torpe pa rin) pero, sinagot ko siya ng March 25, 2011 (kasabay nina Jesusa at Jm.. haha sinabay ko talaga!) pero, nalaman ng aking magulang (nakita yung msg nya sa fb na "happy monthsary") kaya, kinabukasan, sinabi ko sa mga kaklase namin na kabarkada niya na break na kami...
Noong
recognition naman, ay tinanghal ako bilang 1st honor (ako na ang 1st honor dati from 1st grading -4th grading) at nakatanggap
ako ng lima pang gantimpala bilang pinakamahusay sa asignaturang Science, Earth
Science, Araling Panlipunan, English at TLE. Medyo malungkot ako noon kasi wala
si mommy sa araw ng recognition dahil uma-attend siya ng seminar sa Baguio
noon. Pero, ayos lang , nan doon naman si papa at siya ang nag sabit sa akin.
Natatandaan ko pa nang sumayaw kami ng “shembot” tuwang tuwa si papa kina
Edward dahil mas magaling pang kumembot sa ibang babae. Doon na nagtapos ang
freshmen life ko ngunit simula ng high school life ko.
Sophomore
na ko! 2nd year high school na ako at nasa science pa rin nakalulungkot mang isipin, pero may mga kaklase ako noong 1st year na hindi ko na
kaklase ngayong 2nd year. Ngunit, kahit hindi ko na sila kaklase ay
masaya pa rin kami dahil may dumating naming mga transferees at naging ka-close
naman naming sila. Napaka kulay ng kwento ng 2nd year life ko dahil
sa bawat araw, may mga kakaibang nangyayari nakakatuwa, nakakaiyak,
nakakalungkot at kung ano pa man yan, sama sama ang 2science para harapin yan!
![]() |
>Habang wala pa si Sir Lacsam sa praktis ng jazz chant.. (Mishael, MJ(ako), Julbert (Bachoy) at si Mitch)< |
![]() |
> Jazz Chant Members...< |
Nagkaroon
ng awarding noon, noong 1st grading, 1st ako,noong 2nd
grading limagpak ako sa 4th at sobrang nagalit ang mommy ko noon.Nawala
sa akin ang facebook account ko dahil pina deactivate ni mommy at pinagbawalan
akong gumamit ng computer kahit na mag-research dahil na rin yun marahil
nadismaya siya sa ipinamalas ko. Maraming nanghinayang sa akin dahil simula 1st
year, 1st na ako kaya naman, para sa mga taong naniniwala sa
kakayahan ko, ginawa ko ang lahat ng aking makakakaya para mabawi ang nawala sa
akin. Kaya ngayong 3rd grading, laking tuwa ko na lang ng malaman
kong 1st na ulit ako at laking tuwa ng magulang ko nang binalita ko
iyon sa kanila.kung nagkataong hindi ko nabawi ang ranggo ko ay baka hindi na
ako sa Dizon mag aaral dahil iyon ang sabi sa akin nina mommy. Syempre, di ko
hahayaang mangyari yun dahil ayokong mahiwalay sa mga kaklase ko gayun din sa
mga taong nagpapasaya sa akin at sa mga kaibigan ko. Syempre,
natuwa din ako dahil nabawi ko na ang dati kong ranggo at mabibigay na nila ang
sketchers na hinihingi ko sa kanila (sana!).
![]() |
> Florante at Laura...! 1st!!! < |
Noong
kami ay 1st year, kami ay binigyan n gaming guro na si Mrs. Kuan ng
takdang aralin na gumawa ng “poem” o tula na gagamitan o may nakapaloob na
limang mga tayutay o “figures of speech” sa ingles. Doon ko nadiskubre na may
talino rin pala ako sa pag susulat ng tula at hindi lamang sa pag sulat ng
essay. Nagkataon naming meron akong crush noon at naging inspirasyon ko siya
kahit na hindi niya alam na siya ang crush ko. Itinago ko pa nga siya sa pangalang
“Mark” noon. Ang aking unang katha ay pinamagatan kong, “LOVE”.
“LOVE”
Love is like a river
River that is full of water
Water that keeps me living
Through the darkness of lightning
Love is a very sweet cake
That keps my hear smiling when I make
Although I have this heartache,
Only your love can cure this ache.
Mabilis
kong nagawa ang tulang iyan kaya naman, nawili akong gumawa ng iba pa at ako’y
sumali na rin sa iba’t ibang patimpalak ukol sa pagsulat ng tula gayun din sa
pag sulat ng sanaysay. Nitong 2nd year ako, nakatanggap ako ng 2
karangalan bilang pag kilala sa aking mga tula. Ang patimpalak ay sa Dizon
ginanap at iba’t ibang antas ang mga kalaban ko (school-based competition).Nang
malaman ng aking mommy ang karangalan na natanggap ko, pinaggawa na rin niya
ako tula para sa mga guro bilang iyon ay buwan ng mga guro na pinamagatang “My
Teacher, My Hero”. Kaagad ko naman siyang ginawan ng tula para sa nasabing palatuntunan
at pinamagatan ko itong, “Ang Ating Mga Dakilang Guro”.
“Ang Ating Mga Dakilang Guro”
Buting mga guro, kasama natin araw-araw
Sila’y katuwang natin sating problema’t pamamanglaw
Animo’y ating mga pangalawang magulang sa paaralan
Kaakibat natin sa’ting paglago at kaunlaran
Wala tayo rito, kung hindi dahil sa kanila
Hinubog nila tayo para maging angat sa iba
Bagamat sila ay may sari sariling istilo,
Ito’y para pagyamanin pa ang mga bata nilang totoo
Kahit sila’y Magkakaiba ng mga ersonalida’t istilo,
Sino man sa kanila, ika’y matututo
Basta’t may atensyon at pakikinig kang totoo
Kaakibat ka na nila sa kaunlara’t pagbabago
Sila’y matatagpuan sa’ting paaralan
Na minsan na nating itinuring na tahanan
At tayong mga estudyante ang nangangalaga’t nananahan
Kaya’t masasabi nating sila’y bahagi ng ating paaralan
At an gating mga guro, turing sa’ti’y kanilang mga anak
Anak na nagbibigay sa kanila ng saya at galak
Kaya’t handugan natin saila n gating mga palakpak
Dahil diyan, sa puso’t isipan namin, kayo’y nakatatak.
Dahil
nga hlig ko na rin mag sulat, meron akong mga notebook na doon nakasulat lahat
lahat ng aking mga hinanaing, ninanais, mga emosyon ko kung malungkot, Masaya,
galit at kung ano pa man. Nahiligan kong mag sulat simula noong grade 6 ako at
hanggang ngayon. Sa pagsusulat ko, nakagawa ulit ako ng tula dahil ako’y meron
na naming naging inspirasyon (hindi ko na siya papangalanan). Ang tulang ion ay
pinamagatan kong “You and Me, Now ang For ever”.
“You and Me, Now ang Forever”
As I walk in the raod of silence,
With th tear drops I can’t hadle,
Leaving footprints at the middle
And accidentally made the word
“_ -_ -_ -_ -_ -_ -_ “
He used to be the reason of my tears
He used to be the reason of my fear
With no intension for them to be real,
These can’t stop the love that I feel
January 26, 2012; the day I remember
When he confess that he loves me further
But, he can’t tell because of my mother
But, he’ll still love me now and for ever
The first time he kissed my hand
I felt the happiness I never had
Dreaming I’m a fairy with a wand
But of course, that’s only in my mind
Now, everyone notice and see
Thinking that we’re really meant to be
Meant to love and be together
To love each other now and for ever.
Sa
pagsulat ko talaga nailalabas lahat ng aking mga ninanais. Pag naisulat ko na
ang aking nais sabihin ay Masaya na ako noon kahit sa simpleng paraan lamang.”Simple
ngunit makabuluhan” yan ang matatawag ko sa aking pampalipas oras at sa aking
nakasanayang Gawain hanggang ngayon.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)