Huwebes, Marso 1, 2012

Maikling Kwento


 Ang Cellphone

                Ito’y isa sa mga makabagong teknolohiya sa ngayon, may iba’t ibang hitsura, pangalan, natatanging katangian ang mga ito. Ito rin ay nilikha at patuloy na pinagaganda pa upang mapadalu ang pag uusap sa mga malalayong mahal natin sa buhay o para sa komunikasyon. Sa panahon ngayon, halos wala ka nang makikitang walang cellphone dahil kung gusto mong maging “in” at makasabay sa daloy ng modernisasyon, kailangan mo nang magkaroon ng mga ika nga nila’y “hi-tech” na mga kagamitan. Ngunit, ano nga ba ang nagaganap na usapan sa ating mga “cellphone”? Ano- ano kaya ang kanikanilang hinaing ngayon? Narito at basahin na ninyo ang kwento ng mga cellphone natin.

                May isang estudyante na pumapasok sa pampribadong paaralan (si Isabell Reyes). Anak nina Mr. at Mrs. Reyes na kapwa nakapagtapos ng pagaaral ngunit si Mrs. Reyes ay may bahay o sa bahay na lamang lumalagi dahil kailangan niyang alagaan ang iba pa nilang mga anak. Samantalaga si Mr. Reyes ay isang guwardya sa isang banko ng kanilang bayan. Isang araw, humingi ng pabor si Isa sa kaniyang mga magulang… “Nay, pwede po na akong makahingi ng cellphone? Nahihiya na po kasi ako dahil ako na lang po ang walang cellphone sa aming silid. Ang gagara po ng kanilang mga cellphone at karamihan pa ng po sa mga ito ay “touch screen”. Nay, mapagbibigyan nyo po ba ako sa aking hiling?”. Sumagot ang nanay ni Isa at nagwika…”Sige anak, pag uusapan naming iyan ng iyong papa. Pero, hindi ako makakapangako anak. Sana’y maintindihan mo na wala tayong pera para sa mga ganyan, ngunit, gagawan natin iyan ng paraan anak.” Sige po nay, naiintindihan ko po.

                Isang araw, napagbigyan na siya ng kaniyang mga magulang sa kanyang hinihingi. Binilhan siya ng cellphone ng kanyang ina na 1100. Bagamat may kalumaan na, tinanggap pa rin ito ni Isa dahil alam niyang pinaghirapan ito ng kanyang mga magulang.

                Sa kadahilanang si Isa ay may cellphone na, madalas mo syang makikitang nagkikipag text sa kanyang mga kaibigan saan man siya pumunta. Habang ginagamit niya ang kanyang cellphone, may nagaganap na palang pagtatalo sa mga ito (sa pagitan ni Message, Keypad, Phonebok, Games, Multimedia, Settings at Call center).

Message: Alam nyo, Masaya ako kasi sa akin makikita sina inbox, outbox, drafts at sent items. Nang dahil kay inbox, nalalamn ko ang lahat ng gusto nilang sabihin sa kanilang mahal sa buhay.

Keypad: Oo nga eh, nakakahili ka nga, samantalang ako hindi ko alam ang gagawin ko, litong- lito at hilong- hilo na ako sa kapipindot nila sa akin, hindi na ako nakapahinga at wala na atang lumipas na araw na hidi ako ginagamit ni Isa.

Phonebook: Tama ka diyan, pero, para sa akin, ikaw ay mas mahalaga kasi kung wala ka paano malalaman ni message kung may mga mensahe na paparating gayun din, ikaw ang ginagamit upang masabi ang kanilang hinanaing at ninanais sabihin sa iba.

Keypad:  Naisip ko din yan syempre, pero, kahit magawa ko man lahat ng nais nilang sabihin ay wala ring halaga kung wala ka, kasi nasa iyo ang mga numero na padadalahan ko.

Message: Teka nga, bakit ba kailangang i-down natin an gating mga sarili? Samantalang lahat naman tayo ay may halaga hindi ba?

Phone book: Hindi naman kasi natin iyan maiiwasan eh, sapagkat ang bawat isa sa atin ay may kanya kanyang kakayahan na wala ang iba.

Keypad: Kaya nga, dapat pala kung anong meron ang isa a meron din ang isa para walang hiliian.

Message: Maganda mga iyang naisip mo, subalit malabong mangari ang lahat ng iyan. Isa pa, may mga 
bagay talaga na hindi nating maiwasang mag-isip na dapat ay ganoon din tayo.

Phone book: Kung sa bagay, may “point” ka din. Katulad nga ni keypad, mas pagod siya kaysa sa atin at mas madala siyang ginagamit.

Keypad: Tigilan na nga natin yaan, kahit araw-araw tayong mah talo-talo at magpaligsahan eh, wlaa rin naman mangayari, isispin natin lahat tayo ay importante.

Message at Phonebook: Oo nga, at saka hindi lang naman tayo eh, marami pang nandiyan. Nandiyan pa sina games, call register, sttings, multimedia at iba pa. Matagal di siya at malaki ang kanilang naitutulong.

Games: Aba, parang kasali kami diyan ah? Tama ang narinig ko, nakatutulong din kami.. tulad ko, maraming nawiwili sa akin lalo na at mahilig silang maglar at gusto nilang maglibang- libang. Gayun din, ako ang maaari nilang puntahan kung nais nilang pag palipas oras at mag “relax”. Gaya na lamang ng ginagawa ng mga kapaton ni Isa.

Multimedia: Sa akin naman, madaming makikita… kapag nag pi-picture, gusting mag video, mag recrd magpatugtog ay pumunta ka lamang sa akin, doon na pati nila makikita ang lahat ng mga ginawa nila alin man sa mga katangian ko o sa mga nilalaman ko.

Settings: Aba! Parang napagiiwanan ako ah!... ako naman, kapag may gusting mag shortcut, mag alarm, maglagay ng ptsa o kaya naman ay gusting maglagay ng code, aba! Nandito lang ako at lahat ng iyan ay makikita mo…!

Call Register: Magpapatalo ba naman ako..! h, nang dahil sa akin, malalaman nila ang gusting tumawag at makikita din sa kanila kung sino ang gusto nilang kausapin… at hindi lang iyan, kung ilan man ang tumawag at tinawagan nila ay maari din nilang malaman ng dahil sa akin.

Multimedia: Alam ninyo, naisip ko lang na dapat hindi tayo magpaligsahan kasi lahat tayo ay may kani-kanilang pangangailangan. Isa pa, lahat naman tayo ay giagamit nila.

Games: Hindi naman sa ganoon, sinasabi lang naman natin kung anong nakapaloob sa atin.

Settings: At mas makatutulong ang lahat ng sinabi natin. Mas lalo pa tayo nilang makikilala ng lubusan.

Call center:  Hindo natin sila malilito kapag may gusto silang hanapin dahil alam na nila ang bawat makikita sa atin.

Message: Hay naku! Manuti naman at naisipan ninyo iyan, alam ninyo,ganyan din kami kanina bawat isa din sa amin ay nagpapaligsahan at nagpapagalingan ukol sa iba’t ibang kakayahan naming.

Keypad: May kanya- kanyang opinyn at ang bawat sarili ay nagagawang i-down.

Phone book: Paano kasi, hilian ang iniisip, hindi ang kakayahan.

Games: Oh, siguro naman lahat ay alam na at hindi kailangang magtalo-talo pa.

Multimedia: Sadyang ganyan lang talaga sa una, kasi, iniisip at ang kakayanan ng iba at binabalewala ang sariling kakayahan.

Call center: Alam mo, naisip ko yan, tama yang sinabi mo at saka lang nila napag iisip isp na mahala din pala sila kapag nagkaharap- harap at nakausap-usap na.

Keypad: Kasi naman, kung ating talaganag iisipin an gating mga pag kakaiba hindi natin maiiwasang magselos at mahili, lalo na kapag ang nakita mong katangian niya ay wala sa iyo.

Message: At ang gusto mo naman ay ganon Karin, mahirap kasi yon at ng dahilan diyan, diyan nagsisimula ang lahat.

Games: Tama, saka young iba ginawa ang lahat para maging ganon din sila, pero kahit pa naman anong pilit gawin ay hindi pa rin talaga sila magiging ganoon.

Settings: Tigilan na natin iyan, ang mahalaga ay lahat tayo napapakinabangan, kasi kung wala tayo ay mahirap para sa kanila ang gamitin tayo.

Call center: Okay yan! At mas maganda kung lahat ng iniisip natin ay “positive” para sa sarili at para sa lahat.

Phonebook: Siguro mas maganda kung atin na talagang gagawin ang lahat n gating sinasabi magkaisa tayo at magtulungan, at ng dahil diyan makakabuo tayo ng isang maayos na samahan.

Keypad: At ang samahang iyon ang magiging sandata natin upang makabuo din tayo ng isang pangalan, na tayong lahat ay magkaroon lamang at tatawagin tayo sa isa lang na pangalan.

Multimedia: Sang ayon ako sa lahat… at kapang nagaroon na tayong lahat ng isang pangalan, na tayong lahat ng isang pangalan, maraming matutuwa at mawiwili sa atin.

Settings: Nang dahil din sa atin, makakatulong tayo ng malaki sa mga nangangailangan sa atin, mapapadali ang kanilang pakikipagkumunikasyon sa mga mahal nila sa buhay lalo na nga at malayo sa kanila.

Message: Nakayulong na nga tayo, nakapagpasya pa ng marami at hamakin natin yon pagkakaisa lang pala ang susi upang maging Masaya at mawili sa atin ang lahat.

Phone book: Naisip ko lang ito, kung hindi tayo tumigil kanina sa mga paligsahan natin, hindi sana hahantong sa ganito at wala sana itong magandang palano natin.

Keypad: Buti nga at natauhan ang bawat isa sa atin, nagpaliwanagan at nagibigay ng mga magagandang opinion, at makabuo ng isang maayos na plano.

Multimedia: Salamat na rin at naliwanagan tayo sa ating mga sinasabi.

Call center: Hay! Alam ninyo Masaya ako dahil sa sobrang ganda n gating mga naisip at ang lahat ay nakaunawaan at magkakasundo na wala nang sasaya pa, ito ng ata ang pinakamasayang araw na nagdaan sa buhay ko.

Settings: Oo nga ano?ang bilis lang ng mga pangyayari eh, sana panatilihin na natin sa ganito tayo. Kasi isa na itong malaking sandata.

Message: at ang sandatang iyan ang magtatatag sa atin hanggang sa tayo ay tangkilikin ng marami, sisikat tayo lalo na kapag magkakaroon tayo ng isang magandang panagalan, pangalan na kilala ng lahat.

Multimedia: Teka, parang naguluhan ako doon ah. Ano naman ang maari nating maging pangalan? Parang mahirap iyon, lalo na nga at sinabi mong pangalang kilala.

Message: Huwag kang mag alala dahil kapag tayo ay pinag sama sama, madali lang makabuo ng pangalan. 
Magiging tanyag din tayo at dadating din ang oras na ipagmamalaki ni Isa na tayo ang laman ng kanyang cellphone gayun din ang iba pang cellphone na kagaya natin.

Keypad: tama yang nasa isi mo, dahil kapag panahon na ipinagmalaki na tayo, unti unti na tayong malilikha at ang lahat ay madidiskubrw at gagamitin tayo. Ngunit, ako’y namumrublema bagamat tayo’y magkakaayos na, may bumabagabag pa rin sa aking isipa…

Settings: Ano yun?! Hindi ba’t wala na naming iringan na namamagitan sa atin hindi ba? At lalong magkakasundo na ang lahat…. Ano ba ang problema mo at parang napakabigat nito?

Keypad: hindi na naman siguro lingid sa kaalaman ng lahat na usong uso na sa panahong ito ang mga “touch screen” na mga cell phone.. kaya naman, nangangamba ako na baka….

Settings: Baka dumating ang araw na, wala nang gagamit sayo.. ganun ba?

Keypad: Oo ganun na nga, masakit man aminin, ngunit, hindi nyo ba naririnig ang mga usapin ng mga kaklase ni Isa at sinasabing bakit de- keypad pa rin ang cell phone niya eh hindi na nga raw uso ang ganoon. At isa pa, mas maganda na nga raw gamitin ang mga touch screen na cell phone kesa sa mga cell phone n tayo lamang ang nakapaloob. Hindi gaya noong iba na mas marami ka nang mailalaman at mas maganda ang mga imahe.

Message: Marahil, mas makulay at malinaw nga ang imahe ng mga cell phone na touch screen ngunit, tandaan mo, ang mga cell phone na tayo ang nakapaloob (simple ngunit kapakipakinabang) ay may maitutulong at magagawa pa rin sa mga ninanais nila. At halos, parho lamang ang nilalaman ang lamang nga lang ng iba pang kagamitan ay mas makabago at hi-tech na sila. Kaya naman, hindi na ako mag tataka kung isang araw ay maubos na ang mga simpleng cell phon at pro hi-tech na lamang ang makikita mong gamit ng mga kabataan.

Keypad: Tama! Mas mabuti na nga siguro na tanggapin na lamang natin ang mga pag babago dahil, doon din naman tayo nagmula at tayo ay produkto rin ng pagtuklas at malikhaing isipan ng mga tao upang mas maunlad pa sila.

Lahat: Tama! Mas Mabuti pa nga iyan! J

                Nakalipas na nga ang ilang buwan at si Isa ay naibili ng kaniyang ama’t ina ng touch screen na cell phone bilang gantimpala sa kanya dahil siya’y nakapagtapos ng may mataas na ranggo sa kanilang paaralan. Gayun pa man, natanggap na ng mga lumang cell phone nag mga pangyayaring iyon (mga pagbabago). At ang dating 1100 ang cell phone ni Isa ay napunta naman sa kanyang kapatid na si Ana.

                Dapat nating tandaan na ano mang bagay na nakikita at nadadama mo ay hindi permanente. Ika nga nila, walan permanente sa mundo at kung meron man, iyon ay ang pagbabago “change is the only thing that is permanent in this world”. Kaya, kung ano mang pagbabago ang kaharapin natin, Mas magandang tanggapin na lamang ito ng husay at matiwasay sa loob upang maiwasan ang iringan o inggitan sa pagitan ng mga magkakaibigan.






1 komento: